Ano ang Leptospirosis?


Published on 7/9/18    12:17 PM







"Ang Leptospirosis ay nakamamatay
mag pa consulta sa iyong doktor."


Ano ang Leptospirosis?
  • Ang leptoprosis ay isang infectious na sakit na maaring magdulot ng kamatayan kapag hindi agad naagapan
  • Madalas itong nakukuha tuwing panahon ng bagyo o pag babaha

Ano ang sanhi ng Leptospirosis?
  • Ang Leptospirosis ay dulot ng Leptospira species na napapabilang sa order Spirochaetales and the family Leptospiraceae
  • Ang leptospire ay maaring makita sa rodents (daga), wild mammals, domestic at farm animals

Paano nakaka pasok sa katawan ng tao ang Leptospira?
  • Direct contact sa ihi, dugo o tissue ng infected na hayop
  • Exposure sa baha na mayroong ihi ng infected na hayop

Ano ang sintomas ng Leptospirosis?
  • Lagnat na umabot ng 2 araw
    • sa patient na: 
      • Nakatira sa lugar na may baha
      • Naglakad sa baha or sa maruming tubig, may sugat man or wala
      • Exposure sa animal fluid
      • Nakainom ng maruming tubig baha    
    • PLUS  at least 2 sa sumusunod na sintomas 
    1.  Pananakit ng muscles (Myalgia)
    2.  Pananakit ng likod na parte ng binti (Calf Tenderness)
    3.  Pamumula ng mata (Conjunctival suffusion)
    4.  Panginginig (Chills)
    5.  Pananakit ng tyan (Abdominal pain)
    6.  Pananakit ng ulo (Headache)
    7.  Paninilaw (Jaundice)
    8.  Pag konti ng ihi (Oliguria)

    Ano ang gamot na maaring ibigay bago o pagkatapos ng exposure sa Leptospira? (Antibiotic Prophylaxis)
    • Doxycycline    
    • (Magpa konsulta sa doktor bago uminom ng gamot)
    Ano ang gamot para sa Leptospirosis?
    • Mild Leptospirosis
      1. Doxycycline 
      2. Alternative na gamot
      • Amoxicillin
      • Azithromycin dihydrate    
    • Moderate - Severe Leptospirosis
      1. Penicillin G
      2. Alternative na gamot
      • Parenteral ampicillin
      • 3rd generation cephalosporin (cefotaxime, ceftriaxone)
      • Parenteral azithromycin dihydrate

       (Magpa konsulta sa doktor bago uminom ng gamot)

    Paano makaka iwas sa Leptospirosis? 
    1.  Iwasan ang paglalakad sa baha/ maruming tubig  
    2.  Iwasan ang contact sa ihi, dugo o tissue ng infected na hayop
    3.   Magsuot ng bota (boots)
    4.   Magsuot ng eye googles
    5.   Magsuot ng rubber gloves  


    Ang mga sumusunod ay HINDI pwedeng uminom ng Doxycycline (Contraindications)
    • Buntis
      • Ang Doxycycycline ay maaring maka apekto sa sanggol na pinagbubuntis
      • Maaring maka apekto sa buto at ngipin ng sanggol na pinagbubuntis    
    • Nagpapasuso (Lactating Mother)
      • Ang doxycycline ay maaring mainom ng sanggol mula sa gatas ng ina (breast milk)
      • Maaring maka apekto sa buto at ngipin ng sanggol 
    • < 8 years old 
      • Ang doxycycline ay hindi pwedeng ibigay sa bata na may edad walo pababa (< 8 years old)
      • Maaring maka apekto sa buto at ngipin 
    • Taong allergic sa mga sumusunod
      • Doxycycline
      • Demeclocycline
      • Minocycline
      • Tetracycline

    Mga dapat tandaan kapag umiinom ng Doxycycline 
    1. Magpa konsulta sa doctor bago uminom ng gamot lalo na kung ikaw ay may sakit sa liver at kidney o umiinom ng “birth control pills”
    2.  Iwasan ang exposure sa sunlight o artificial UV rays 
    o   Mas magiging sensitive ang skin at maaring mag ka sunburn ang mga taong umiinom ng doxycycline 
    o   Mag lagay ng sunscreen lotion (SPF 15 o pataas)
    Mag suot ng damit pang protekta sa araw
    3.  Iwasan ang pag inom ng mga sumusunod dalawang oras bago o dalawang oras pagka tapos ng pag inom ng doxycyclin
    a)    iron supplements
    b)   multivitamins
    c)   calcium supplements
    d)   antacids
    e)   laxatives


    Magpa konsulta sa doctor kung sakaling makakaranas ng mga sumusunod:        
    1.   Hirap sa paghinga 
    2.   Pamamaga ng mukha, labi, lalamunan 
    3.   Pag dudumi  
    4.   Pag dumi nag may dugo 
    5.   Pananakit ng ulo
    6.   Pagkahilo 
    7.   Panlalabo ng mata 
    8.   Lagnat 
    9.   Panginginig 
    10. Rashes 
    11. Pagkonti ng ihi 
    12. Pag itim ng ihi 
    13. Paninilaw 
    14. Panghihina 
    15. Pananakit ng tyan 
    16. Pananakit ng muscles 
    17. Pagkahilo
    18. Pagsusuka
    19. Pagdudugo


    Sources:
    1. Harrison Internal Medicine 19th Edition 
    2. Leptospirosis CPG 2010 
       http://philchest.org/v3/wp-content/uploads/2013/05/Leptospirosis-CPG-2010.pdf



    Genesis A. Mercado M.D. 
    is a biologist and a licensed medical doctor
    trained in Internal Medicine 







    Follow and Subscribe

     



    You may like these posts: